Ako’y tutula

Gabi ng Linggo, bisperas ng Mayo uno. Excited akong naghanda ng mga dadalhin ko. Backpack na naglalaman ng extrang damit, towel, note book, sunglasses at isang boteng tubig.
Lunes, handa na ako. Nag-aalangan pa rin ako dahil baka hindi ako payagan. Inumpisahan ko na ang panliligaw kina Mami at Dada (tawag ko kay daddy). Naglinis ako ng bahay para payagan, pero sangkatutak na sermon pa rin ang ipinabaon nila nang malaman na sa Plaza Miranda ako pupunta. “Anong oras ka na naman makakauwi? Ikaw ang liit-liit mong tao… mag-iingat ka,” sabay abot sa akin ng pera ni Mami. Medyo nasanay na ako sa ganoong eksena tuwing hihingi ako sa kanila ng pamasahe, umaatikabong sermon. Naiintindihan ko naman sila dahil alam kong nag-aalala lang sila sa ‘kin.
Tirik na tirik ang sikat ng araw, nakatayo ako sa tapat ng Quiapo Church. Maaga ako ng dalawang oras sa usapan namin, kaya nagpasiya muna akong sumama sa hanay ng Health Alliance for National Democracy (HEAD), isang samahan ng mga makabayang doktor. Tumulak na kami papuntang Liwasang Bonifacio (LB) at doon na lang mag-kikita ng mga kasama ko. Pagdating sa LB, parang reunion ang pagse-selebreyt ng Labor Day. Umaalingawngaw ang chant para sa P125 dagdag sahod ng mga nag-rarali para sa matagal nang kahilingan ng mga manggagawa.
Pagkatapos ng programa sa LB, nagpasya ang bulto na pumunta ng Mendiola kahit na may banta na idi-disperse kami. Nagsimula na ang martsa. Namangha ako sa haba at dami ng sumamang mga manggagawa’t mula sa iba’t ibang sektor. Sa umpisa marahan ang lakad. Takbo! Sigaw! Nakahihingal, para akong nag-jogging sa tanghaling tapat. Pagdating namin sa recto nagkaroon ng konting komprontasyon sa pagitan ng dispersal unit ng PNP (Philippine National Police) at raliyista.
Nagpahinga at nag-poetry reading kami dahil matagal na di umuusad ang hanay. Kahit na may halong kaba dahil nakatutok sa amin ang water canonon, binigkas ko ng malakas ang tulang “May arte rin ang pagtanggap ng di sapat na sahod” ni Ferdinand Jarin.
“Bonna magiging am.
Pampers magiging lampin.
Wafers magiging tigpi-pisong otap…
Siguradong matatapos ang pamimili’y
bitbit mo na ang supot ng alternatibs”
Sa aking pagsulong kasama ng mga manggagawang lagi’t laging pinagsasamantalahan, marami akong natutunan. Kung sa iba’y ingay ang kanilang isinisigaw, sa ‘kin ito’y mga taludtod na tugma sa paglaya. Ang kalyo’t magaspang nilang kamay ay ang tunay na metapora ng buhay. Ang kanilang laban ay saknong-saknong na berso ng tagumpay.
“Matiyaga mong tinigkal ang kalawal
sa naghihingalong makina, kinumpuni.
Ilang ulit ka ring napitpit subalit di sumuko sa pagpanday.
Bukas, tiyak luwalhati sa karamihan ang makinang ‘yong binuhay.”

Unang inilathala: EARIST Technozette, 2006

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s