Kapeng Barako

I.

Lumamig na ang kape.
Sabik na ang tasa
Makaramdam ng init
At matikman ulit ang nag-aagaw na pait at tamis.
Sa panibagong timpla,
Muling hahalimuyak ang aroma sa lumang tasa.
6 Pebrero 2008
II.
Ibinilanggo na naman ako ng aking gunita
Nag-uunahan ang mga taludtod
Na mailuwal mula sa ligalig na diwa:
Sa tuwing hahalikan ko ang tasa,
Lumamig na kape ang bumabasa sa aking labi;
Ninanamnam ang pait
At hinahanap ang tamis.
Sinasariwa ang kahapon:
Ang iyong pagharana sa madaling araw
Habang inaatay ang bukang-liwayway;
Mga kislap sa ‘yong mga mata
Nang unang magyakap an gating mga palad;
Pagyapos ng iyong mga bisig
Matapos ang sandaling walang imikan.
12 Pebrero 2008
III.
Nakipagniig ang dila sa init.
At natutunan nating hipan at dahan-dahang higupin
Ang umuusok na tasa.
Kung muli mang mapaso
Hindi hadlang ang hapdi sa muling paghigop.
Sa pagsikat ng pulang araw
Kapeng barako ang ihahain sa mesa.
20 Pebrero 2008
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s