Para sa mga masusugid kong stalker*

Alam kong matagal na panahon
ang ginugol mo para makilala ako.
Hindi sumasapat sa iyo ang sulyapan ako.
Hindi na rin ako magtataka
kung koleksyon mo ang mga litrato ko
mula sa
Facebook.
Friendster.
Multiply.
Blogs.
Rally. 
Forum. 
At kung saan-saan.
Hanggat maaari
nakatali ako sa iyong paningin.
Daig mo pa nga ang diary
        para itala ang aking araw-araw
sino ang mga kasama ko
        kausap, kakilala, kinikilala.
Saan.
Oras.
Bakit.
Ikaw.
Oo, ikaw.
Ikaw ang aking
      anino sa tanghaling-tapat
          at bisita sa gabi.
Hanggang sa araw na iyong pinaka-hihintay
Hindi mo maririnig ang matamis kong “Oo”.
*Isang dalaw mo pa, hindi ako magdadalawang
isip na ipaaresto kita sa mamamayan at kanilang husgahan.
6 Hulyo 2010
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s