Tayong dalawa*

Hindi hadlang
kailanman
ang layo ng pagitan

sa usaping
paglaban
at
pagmamahal

gagap natin at tanggap
ilang dagat man
o mga bundok
ang agwat

sapagkat
sa isipang mapagpalaya
ang sakripisyo at paghihirap
sa rebolusyong ating matapat
at masikhay na hinaharap
sapat ang damdamin at kapasyahan
na ang pag-ibig natin

    hindi nakatali sa dalawang magkasintahan
    hindi nakaposas sa mga kamay na magkahawak
    hindi nakagapos sa magkayakap na pagsinta
             ang pag-ibig at rebolusyon ay nag-iisa
                  at naglalapit gaano man kalayo ang inaawit

hangga’t nag-uumalpas
ang damdaming mapagpalaya
sikilin man o ikwartel
magpupumiglas pa rin

tinatangi kita
  at nagpapatuloy, at dumadaloy
sa bawat luha at ngiti ng masa
   magtatagpo ang tayong dalawa

*Sinulat ni Maria Baleriz. Isang regalo ni Maria Baleriz para sa akin at sa aking niligawan noon.

Kahapon, habang naglilinis ako ng aking mga gamit, muli kong nakita ang kapirasong papel kung saan niya ito isinulat. Kabilin-bilinan niya sa akin, itago ko daw ito ng mabuti dahil wala siyang kopya nito.

Huwag kang mag-alala Maria, makakaasa kang iingatan ko  ito.hehe Muli, maraming salamat sa iyong regalo, nami-miss ko na rin ang ating balagtasan at taludturan sa text.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s