Day 10 – A picture of something you hate

IPIS. Pero hindi lang simpleng ipis, kundi FLYING IPIS.
 
Sa sobrang ayoko sa ipis nag-research ako dati kung bakit ba sila nabuhay at anung silbi nila sa mundo, bukod sa kinaiiritahan ko sila at ginagamit na panakot sa mga bata.
 
Meron silang iba’t ibang lahi, American, German, Oriental, Asian at marami pang iba. Nocturnal ang mga ipis kaya maligalig sila kapag nasisilayan sila ng ilaw, kung meron kang makitang ipis na matigas ang mukhang naglalakad sa gitna ng sahig na may ilaw, paniguradong Asian ang lahi niyan. Proud ee!
 
At syempre marami silang talent gaya ng play-dead, swimming, lumipad at marami pang iba. May libog din ang ipis, kapag nanggigil sila sa iyo paniguradong kakagatin ka nila, iiwanan ka pa ng kiss mark at higit sa lahat, nagse-seks din ang ipis sa kapwa nila ipis (yes. Nanuod ako ng live sex ng ipis sa kalsada, mahigit anim na buwan na ang nakakaraan).
 
Pero bakit nga ba may lumilipad na ipis? Bukod sa gusto lang din nilang patunayan na tumitili din (minsan) ang mga lalaki, ito ay dahil malapit na silang mamatay. Ang weird no? Alam na nga nilang mamamatay na sila, papabilisin pa lalo nila ang kanilang buhay, dahil paniguradong pipisatin lamang sila ng tsinelas ng taong nagulat sa kanilang paglipad.
Ang totoo, kaya ayoko at hate na hate ko ang ipis, ay dahil,
1. Malayo pa lang naaamoy ko na may ipis sa paligid. 
2. Lumilipad sila. Nakakasira ng diskarte sa buhay.
3. Dahil alam kong hindi ko sila kayang kitilan ng buhay.
 
 
 
Advertisements

2 thoughts on “Day 10 – A picture of something you hate

    1. Ngayon ko lang nabasa ang comment mo, mommy Carol. Hehe.
      Oo huwag mo na lang sila i-Baygon. Kapag nakakakita na nga ako ng ipis ngayon, hinahayaan ko na lang sila at umiiwas na lang din ako. Hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s