Kung bakit ako umiyak in public

Okay. Bother na bother na ako this past few weeks. Kailangan ko na itong pakawalan.

Mayroong mahigit 7 Billion population sa buong mundo*. Nasa thousands ang nakilala ko mula sa Pilipinas, habang ang iba naman ay nagmula sa ilang bahagi ng mundo. 

Ilang araw ko na din iniisip, kung paano ko ba maipla-plano na mahanap, makilala at makasama muli sila** sa mga susunod kong buhay (reincarnation; kung totoo man ito o hindi).

Gusto kong gumawa ng isang listahan na naka-table: larawan, pangalan, maigsing paglalarawan kung sino siya**, dahilan kung bakit kailangan ko siyang makasama ulit; tapos ilalagay ko ito sa isang time capsule at itatago ito sa isang lugar na matatandaan ko kapag nabuhay na ako ulit.

Seryoso. Ito ang dahilan kung bakit ako umiyak in public kaninang umaga (buti na lang at napigilan ko ang paghagulgol).

At habang ina-avail ko ang buhay na ito, gusto kong malaman mo na sobrang masaya ako na nakilala kita** at hindi ko malilimutan ang mga pinagsaluhan nating mga kwento’t aral sa buhay. Maraming salamat sa iyo**.


*http://www.worldometers.info/world-population/
**mga taong mahahalaga at minamahal ko
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s