Day 16 A picture of someone who inspires you

gothere

 

Silang mga taong makakasalamuha, nakasama at kasama ko sa aking paglalakbay.

Ang bawat lugar na pinuntahan ko ay may partikular na taong dapat kitain muli; at sa bawat partikular na lungsod o nayon na aking pupuntahan ay kailangang lumikha ng alaala na babalik-balikan.

 

Photo first posted: http://livelaughlovedotnet2.files.wordpress.com/2014/04/gothere.jpg

Laban sa Unang Kampaniyang Paglibid*

Nagdiringas ang kagubatan sa ilalim ng alapaap,
Dumadagundong ang galit ng mga kawal hanggang sa kalangitan.
Kinukubli ng ambon ang rurok ng Lungkang.
Sabay-sabay na hiniyaw:
Nakubkob ang ating bungad Chang Hui-tsan!
Dalawang daang libong matatag na kawal
Ang kaawayAng lumikha ng asbok pabalik ng Kiangsi.
Milyong manggagawa at magsasaka ang pumukaw
Para kolektibong lumaban,
Sa makatarungang digma sa palibot ng paanan ng Puchou!
 
 
*KaMAO
Mga Salin ng mga Tula ni Mao Zedong
 
Kopyang pang-internet, ipinaskil noong
Disyembre 26, 2013– sa ika-120 kaarawan ni Mao Zedong
 
Para tignan ang iba pang salin: 

Dagat Pasipiko

I.
Kung gising ka ngayong hating gabi
marahil nakatingin ka sa langit.
Pinagmamasdan ang bawat bituin.

Marahil tatanungin mo
kung saan bituin ako naroon.

Habang ako
ay nasa dalampasingan
hinahanap sa dagat
(hinahanap ko)
kung saang bituin kita matatagpuan.

II.
Sa dulo ba nitong dagat Pasipiko
matatagpuan ko ba kahit ang anino mo?
Kaya ko kayang bilanganin
ang bawat paghampas ng alon sa alon?
Kaya ko bang sukatin
ang lalim ng dagat na ito?
Kaya ko ba?
Kaya ko bang tawirin ang dagat Pasipiko?
Paano?
Paano?

III.
Sabi nila
ang kulay Luntian na tubig ay mababaw.
Habang ang Bughaw ay malalim.

Sa gitna kaya nitong dagat Pasipiko
anong kulay kaya?

Gusto ko malaman
kung anong kulay ang namamagitan sa atin.

December 19, 2012
Punta Gravida, Pagudpod, Ilocos Norte

Para kay D

Mistulang

a
             l
     i
           t           a
                   t
          a
      p


ang mga ilaw
sa abalang siyudad.

Hindi alintana
ang musika
na
nililikha
ng mga
busina
mula sa

i
b
a
b
a
.

At
tanging
Oyayi
ng mga
kuliglig
ang
karamay sa
pagmuni-muni.



Inaalala ka bawat sandali.

Ika-8 ng Nobyembre 2012
Antipolo, Rizal

Photo from: http://farm6.staticflickr.com/5043/5299133193_bd7a7810fc_z.jpg

Banqueta

Kahit ilang beses
Ako magpakalango sa alak
malimutan lang kahit saglit
ang nararamdaman ko para saiyo
mananatiling bigo
ang pansamantalang paglimot
matapos ang magdamag na inuman.

***
Magdamag man ako sa inuman
Mawaglit ka lang kahit saglit
Ikaw pa rin ang aking pulutan.

***
Isang kaha na ng alak
Ang nauubos ko
Pero hindi pa din ako
Tinatamaan
Bukod sa tamang
Nakamit ko mula sa iyo.


Ika-17 ng Hunyo 2012